×
الأنعامAyah 84

Tafsir Al-Mukhtasar

وَوَهَبْنَا لَهُۥٓ إِسْحَـٰقَ وَيَعْقُوبَ ۚ كُلًّا هَدَيْنَا ۚ وَنُوحًا هَدَيْنَا مِن قَبْلُ ۖ وَمِن ذُرِّيَّتِهِۦ دَاوُۥدَ وَسُلَيْمَـٰنَ وَأَيُّوبَ وَيُوسُفَ وَمُوسَىٰ وَهَـٰرُونَ ۚ وَكَذَٰلِكَ نَجْزِى ٱلْمُحْسِنِينَ ﴿٨٤﴾

Nagkaloob Kami kay Abraham ng anak niyang si Isaac at apo niyang si Jacob. Nagtuon Kami sa bawat isa sa kanilang dalawa tungo sa landasing tuwid at nagtuon Kami kay Noe bago pa nila. Nagtuon Kami tungo sa daan ng katotohanan sa mga supling ni Noe: sa bawat isa kina David at anak niyang si Solomon, kina Job, Jose, at Moises, at kapatid niyang si Aaron – sumakanila ang pagbati ng kapayapaan. Tulad ng pagganting ito na iginanti Namin sa mga propeta dahil sa paggawa nila ng maganda, gaganti Kami sa mga tagagawa ng maganda na iba pa sa kanila dahil sa paggawa ng mga ito ng maganda.