Tafsir Al-Mukhtasar
يَعْلَمُ مَا فِى ٱلسَّمَـٰوَٰتِ وَٱلْأَرْضِ وَيَعْلَمُ مَا تُسِرُّونَ وَمَا تُعْلِنُونَ ۚ وَٱللَّهُ عَلِيمٌۢ بِذَاتِ ٱلصُّدُورِ ﴿٤﴾
Nakaaalam Siya sa anumang nasa mga langit, nakaaalam Siya sa anumang nasa lupa, nakaaalam Siya sa anumang ikinukubli ninyo na mga gawain, at nakaaalam Siya sa anumang inihahayag ninyo. Si Allāh ay Maalam sa anumang nasa mga dibdib na kabutihan o kasamaan: walang nakakukubli sa Kanya mula roon na anuman.