×
التغابنAyah 5

Tafsir Al-Mukhtasar

أَلَمْ يَأْتِكُمْ نَبَؤُا۟ ٱلَّذِينَ كَفَرُوا۟ مِن قَبْلُ فَذَاقُوا۟ وَبَالَ أَمْرِهِمْ وَلَهُمْ عَذَابٌ أَلِيمٌ ﴿٥﴾

Hindi ba sumapit sa inyo, O mga tagapagtambal, ang ulat hinggil sa mga kalipunang tagapasinungaling bago pa ninyo, tulad ng mga kababayan ni Noe, ng [liping] `Ād, [liping] Thamūd at iba pa sa kanila? Kaya lumasap sila ng parusa sa dati nilang taglay na kawalang-pananampalataya sa Mundo, at ukol sa kanila sa Kabilang-buhay ay isang pagdurusang nakasasakit. Oo; sumapit nga sa inyo iyon, kaya magsaalang-alang kayo sa kinauwian ng lagay nila, saka magbalik-loob kayo kay Allāh bago dumapo sa inyo ang dumapo sa kanila.