×
الأعرافAyah 166

Tafsir Al-Mukhtasar

فَلَمَّا عَتَوْا۟ عَن مَّا نُهُوا۟ عَنْهُ قُلْنَا لَهُمْ كُونُوا۟ قِرَدَةً خَـٰسِـِٔينَ ﴿١٦٦﴾

Kaya noong lumampas sila sa hangganan sa pagsuway kay Allāh dala ng pagkamapagmalaki at pagmamatigas at hindi sila napangaralan, nagsabi Kami sa kanila: "O mga tagasuway, kayo ay maging mga unggoy na kaaba-aba." Kaya sila ay naging gaya ng ninais Namin. Ang utos Namin lamang sa isang bagay kapag nagnais Kami ay na magsabi Kami rito ng mangyari kaya mangyayari ito.