×
الأعرافAyah 167

Tafsir Al-Mukhtasar

وَإِذْ تَأَذَّنَ رَبُّكَ لَيَبْعَثَنَّ عَلَيْهِمْ إِلَىٰ يَوْمِ ٱلْقِيَـٰمَةِ مَن يَسُومُهُمْ سُوٓءَ ٱلْعَذَابِ ۗ إِنَّ رَبَّكَ لَسَرِيعُ ٱلْعِقَابِ ۖ وَإِنَّهُۥ لَغَفُورٌ رَّحِيمٌ ﴿١٦٧﴾

Banggitin mo, O Sugo, nang ipinaalam ni Allāh sa isang pagpapaalam na tahasan, na walang kalituhan doon, upang paghariin sa mga Hudyo ang aaba sa kanila at hahamak sa kanila sa buhay nila sa Mundo hanggang sa Araw ng Pagbangon. Tunay na ang Panginoon mo, O Sugo, ay talagang mabilis ang parusa sa sinumang sumuway sa Kanya, hanggang sa tunay na Siya ay maaaring magpaaga para rito ng kaparusahan sa Mundo. Tunay na Siya ay talagang Mapagpatawad sa sinumang nagbalik-loob sa Kanya kabilang sa mga lingkod Niya, Maawain sa kanila.