×
الأعرافAyah 168

Tafsir Al-Mukhtasar

وَقَطَّعْنَـٰهُمْ فِى ٱلْأَرْضِ أُمَمًا ۖ مِّنْهُمُ ٱلصَّـٰلِحُونَ وَمِنْهُمْ دُونَ ذَٰلِكَ ۖ وَبَلَوْنَـٰهُم بِٱلْحَسَنَـٰتِ وَٱلسَّيِّـَٔاتِ لَعَلَّهُمْ يَرْجِعُونَ ﴿١٦٨﴾

Nagbaha-bahagi Kami sa kanila sa lupa at naggutay-gutay Kami sa kanila rito para maging mga pangkatin matapos na sila dati ay mga nagkakasama-sama. Kabilang sa kanila ang mga maayos na nagsasagawa sa mga karapatan ni Allāh at mga karapatan ng mga lingkod Niya. Kabilang sa kanila ang mga nagpapakakatamtaman. Kabilang sa kanila ang mga nagmamalabis sa mga sarili nila sa pamamagitan ng mga pagsuway. Sinulit Namin sila sa pamamagitan ng kaginhawahan at kagipitan, sa pag-asang bumalik sila palayo sa dating lagay nila.